Certified Echotiners

Home of Echotiners/Miguella
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in
We are looking for an (1) Moderator, (1)News Updater, (2) Video Uploader!

Admin - Makakatulong ko po sa pag aayos ng forum, ang mag update, and help to prevent spammers.

Moderator - Check always the thread and the topics, organize.

News Updater -
Siya po ang mguupdate ng mga bagong news sa ating beloved echotiners, like sa pep.ph, at sa mga ibang news sites.

Video Uploader -
Update the videos of echotiners.

Kung sino po ang interesado and willing na tumulong para mapaganda lalo and ating forum.
Please http://echotin.forumotion.com/announcements-f10/open-hiring-for-our-forum-t28.htm to this topic or PM me. Wink



I am looking for a banner, para ilagay po dun sa pinaka logo ng forum natin.

And kung gusto nyo naman po ng ONLINE CONFERENCE para magkausap usap lahat ang mga Echotiners,. Just login on the chatbox below. Thank you. Smile
Enjoy the forum.
ONLINE CHATTERS
Log in
Username:
Password:
Log in automatically: 
:: I forgot my password
Latest topics
» Dahil May Isang Ikaw - September 16, 2009
Wed Sep 16, 2009 11:36 am by Admin

» Dahil May Isang Ikaw - September 15, 2009
Wed Sep 16, 2009 11:35 am by Admin

» Echotin Thread
Wed Sep 16, 2009 11:27 am by Admin

» Birthday List
Wed Sep 16, 2009 11:26 am by Admin

» PROMOTE THIS FORUM
Wed Sep 16, 2009 11:23 am by Admin

» Dahil May Isang Ikaw - September 14, 2009
Mon Sep 14, 2009 11:37 am by Admin

» Dahil May Isang Ikaw - September 10, 2009
Sat Sep 12, 2009 11:45 am by Admin

» Open hiring for our forum
Fri Sep 11, 2009 1:39 pm by Admin

» Dahil May Isang Ikaw - September 11, 2009
Fri Sep 11, 2009 1:22 pm by Admin

Top posters
Admin
 
adiksaechotin
 
shanew3stgalz
 
Who is online?
In total there is 1 user online :: 0 Registered, 0 Hidden and 1 Guest

None

Most users ever online was 12 on Sun Jul 14, 2013 4:54 pm
Daily Visitors


Share | 
 

 Echo tells hopeful fans onscreen tandem w/ Tin

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin
Admin
avatar

Posts : 37
Join date : 2009-09-10

PostSubject: Echo tells hopeful fans onscreen tandem w/ Tin   Thu Sep 10, 2009 1:32 pm

Jericho Rosales tells hopeful fans onscreen tandem with Kristine Hermosa will have to remain for reel

Archie de Calma
Sunday, August 23, 2009
02:36 PM



Hindi basta maikumpara ni Jericho Rosales ang Dahil May Isang Ikaw sa Pangako sa 'Yo, ang unang teleseryeng nagpasikat nang husto sa tambalan nila ni Kristine Hermosa. Mga manonood pa rin daw ang maghuhusga rito. Pero siyempre, sa bawat taping day, ibinubuhos nila talaga ang lahat ng makakaya nila para mapaganda itong bagong teleseryeng magpe-premiere sa August 24, sa ABS-CBN.

"Nag-set ng standards ang Pangako sa 'Yo noon kaya dapat lang na pagbutihin din namin itong bago," sabi ni Echo. "Pero, depende na lang sa mga mata ng manonood 'yan, kung ano talaga ang mas magugustuhan nila.

"Confident naman kami dahil halos pare-pareho naman yung mga taong humahawak ng produksiyon. What I can assure eveybody, itong bagong teleserye namin is a very good project, with lots of values, pampamilya talaga."

THE "KILIG" FACTOR. Ang hamon ngayon kina Echo at Tintin ay yung kilig factor. Naroroon pa rin naman daw yun, pero nakukuwestiyon na ito dahil hayagang nakikita si Tintin na ang ka-date ay si Oyo Sotto. Taliwas ito sa pino-project nila ni Echo 'pag nagpu-promote.

"Naroroon lang ang tuksuhan, pero very honest and sincere kami ni Kristine na talagang mas maganda ang working relationship namin. Hindi namin kailangang pasakayin ang mga tao at palabasing may relasyon kaming malalim, na magkakabalikan kami dahil lang sa mayroon kaming bagong teleserye.

"Yung sinasabi kong open ako sa possibilities, totoo naman yun. Mahirap magsalita nang patapos na para bang isinara ko na ang lahat sa amin. For one thing, may pinagsamahan talaga kami.

"At sinasabi ko naman, iba na rin ang situwasyon ngayon. Nilinaw rin ni Tintin 'yan, na may tao talagang nagmamahal sa kanya, at mahal na rin niya. Kaya yun pa lang, hindi na ako kailangang pumasok pa sa eksena para makigulo," paliwanag ni Echo.

Hindi ba siya natatakot na magkaroon ito ng negative effect sa fans? Umaasa pa rin talaga ang mga ito na pupuwede silang magkabalikan.

"We don't underestimate the fans, at alam naming naiintindihan nila ang situwasyon namin ni Tin," sagot ni Echo. "Marami na kaming napagdaanan ni Tin, at hindi na kami mga bata na babalikan pa namin yung mga bagay kung saan kami nagkamali. We don't regret those things, but we have to learn lessons from them.

"Pero, hindi natin maiaalis sa fans yung umasa pa rin sila. Yun nga lang, kahit nagkahiwalay sina Tin at Diet [Diether Ocampo] at nagpakasal sila noon, nariyan naman si Oyo ngayon sa buhay niya, and I don't want to comment further.

"Alam ko naman kung saan ako nakalugar. Tama na yung nagkakaintindihan na kami ni Kristine, nagkausap na kami sa kung anu-ano ang dapat naming intindihin pagkatapos naming maghiwalay noon," nangingiting sabi na lang ni Echo.

PRIVATE REASONS. Kapag napag-uusapan nga kung anong mga bagay ang naging dahilan ng paghihiwalay nila noon, hindi kumportable ang binata.

"Kasi, para sa akin, they should remain private. Kahit tapos na yun at napapag-usapan na lang, sana, hangga't maaari, huwag nang ungkatin. May mga bagay talagang para na lang sa amin ni Tin.

"Okey lang na napapag-usapan, lalo na kung nag-e-enjoy ang mga tao sa topic na yun, but I must admit, it makes me feel uncomfortable. Pero, okey lang," natatawa na lang si Echo.

Pero, ang maganda, 'pag sinasabing naka-move on, talagang naka-move on na nga ang dalawa. May kanya-kanya na silang buhay.

"Sana lang, hindi masamain ng mga tao yung katotohanang may kanya-kanya na kaming private lives ni Kristine. Ang mahalaga, nananatili kaming magkaibigan. Hindi natin hawak ang future, pero sa ngayon, mahirap magsalita nang patapos.

"Ayokong palabasing pinasasakay ko pa rin ang publiko. Kung ano ang nakikita sa amin ni Kristine ngayon, yun naman ang totoo, na masaya kami sa muli naming pagtatrabaho together.

"Let's just put it that way," pagwawakas ni Echo.
Back to top Go down
View user profile http://echotin.forumotion.com
 
Echo tells hopeful fans onscreen tandem w/ Tin
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Things that Sailor Moon Fans never say
» Disgusted that I ever was a fan
» International Phantom Fans Week 2009
» Dual Electric Cooling Fans for parts i really need
» DuaL Electric cooling fans conversion

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Certified Echotiners :: JERICHO and KRISTINE :: News-
Jump to: